Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 20 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 20 sa 129 • Tagalog


الَّذِينَ آمَنُوا وَهَاجَرُوا وَجَاهَدُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ أَعْظَمُ دَرَجَةً عِنْدَ اللَّهِ ۚ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَائِزُونَ 20
Pagsasalin:
Ang mga sumampalataya, lumikas, at nakibaka ayon sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila ay higit na dakila sa antas sa ganang kay Allāh. Ang mga iyon ay ang mga magtatamo. At-Tawbah 9:20
Tafsīr:
Ang mga nagsama sa pananampalataya kay Allāh, paglikas mula sa bayan ng kawalang-pananampalataya patungo sa bayan ng Islām, at pakikibaka ayon sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman at mga sarili ay higit na dakila sa antas sa ganang kay Allāh kaysa sa iba pa sa kanila. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga magkakamit ng Paraiso.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 19 Susunod At-Tawbah • Talata 21