Gumawa ba kayo sa [nakatalaga sa] pagpapainom sa tagasagawa ng ḥajj at sa pagtataguyod sa Masjid na Pinakababanal gaya ng sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw at nakibaka ayon sa landas ni Allāh? Hindi sila nagkakapantay sa ganang kay Allāh. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan. At-Tawbah 9:19 ⧉
Tafsīr:
Gumawa ba kayo, O mga tagapagtambal, sa mga tagapagsagawa ng pagpapainom sa tagasagawa ng ḥajj at sa pagtataguyod sa Masjid na Pinakababanal tulad ng sumampalataya kay Allāh at hindi nagtambal sa Kanya ng isa man at sumampalataya sa Araw ng Pagbangon at nakibaka sa pamamagitan ng sarili niya at yaman niya upang ang Salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas at ang salita ng mga tumangging sumampalataya ay maging ang pinakamababa? Gumawa ba kayo sa kanila na kapantay sa kalamangan sa ganang kay Allāh? Hindi sila nagkakapantay magpakailanman sa ganang kay Allāh. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga taong tagalabag sa katarungan dahil sa shirk, kahit pa man dati silang gumagawa ng mga gawain ng kabutihan gaya ng pagpapainom sa tagasagawa ng ḥajj.