Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Talaga ngang nag-adya sa inyo si Allāh sa maraming larangan ng labanan, at sa araw ng [labanan sa] Ḥunayn noong nagpahanga sa inyo ang dami ninyo ngunit hindi nagdulot sa inyo ng anuman at sumikip sa inyo ang lupa gayong malawak ito, pagkatapos lumisan kayo na mga tumatalikod. (25)
Tafsīr
Talaga ngang nag-adya sa inyo si Allāh, O mga mananampalataya, laban sa kaaway ninyo kabilang sa mga tagapagtambal sa maraming labanan sa kabila ng kakauntian ng bilang ninyo at kahinaan ng kasangkapan ninyo noong nanalig kayo kay Allāh, nagsagawa kayo ng mga kaparaanan, at hindi kayo humanga sa dami ninyo sapagkat ang dami ay hindi naging dahilan ng pagwawagi ninyo laban sa kanila sa araw ng [labanan sa] Ḥunayn nang nagpahanga sa inyo ang dami ninyo kaya nagsabi kayo: "Hindi tayo madadaig ngayong araw dahil sa kakauntian." Hindi nagpakinabang sa inyo ng anuman ang dami ninyo na nagpahanga sa inyo sapagkat dumaig laban sa inyo ang kaaway ninyo at sumikip sa inyo ang lupa sa kabila ng luwang nito, pagkatapos tumalikod kayo sa mga kaaway ninyo habang mga tumatakas na mga talunan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: