Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 25 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 25 sa 129 • Tagalog


لَقَدْ نَصَرَكُمُ اللَّهُ فِي مَوَاطِنَ كَثِيرَةٍ ۙ وَيَوْمَ حُنَيْنٍ ۙ إِذْ أَعْجَبَتْكُمْ كَثْرَتُكُمْ فَلَمْ تُغْنِ عَنْكُمْ شَيْئًا وَضَاقَتْ عَلَيْكُمُ الْأَرْضُ بِمَا رَحُبَتْ ثُمَّ وَلَّيْتُمْ مُدْبِرِينَ 25
Pagsasalin:
Talaga ngang nag-adya sa inyo si Allāh sa maraming larangan ng labanan, at sa araw ng [labanan sa] Ḥunayn noong nagpahanga sa inyo ang dami ninyo ngunit hindi nagdulot sa inyo ng anuman at sumikip sa inyo ang lupa gayong malawak ito, pagkatapos lumisan kayo na mga tumatalikod. At-Tawbah 9:25
Tafsīr:
Talaga ngang nag-adya sa inyo si Allāh, O mga mananampalataya, laban sa kaaway ninyo kabilang sa mga tagapagtambal sa maraming labanan sa kabila ng kakauntian ng bilang ninyo at kahinaan ng kasangkapan ninyo noong nanalig kayo kay Allāh, nagsagawa kayo ng mga kaparaanan, at hindi kayo humanga sa dami ninyo sapagkat ang dami ay hindi naging dahilan ng pagwawagi ninyo laban sa kanila sa araw ng [labanan sa] Ḥunayn nang nagpahanga sa inyo ang dami ninyo kaya nagsabi kayo: "Hindi tayo madadaig ngayong araw dahil sa kakauntian." Hindi nagpakinabang sa inyo ng anuman ang dami ninyo na nagpahanga sa inyo sapagkat dumaig laban sa inyo ang kaaway ninyo at sumikip sa inyo ang lupa sa kabila ng luwang nito, pagkatapos tumalikod kayo sa mga kaaway ninyo habang mga tumatakas na mga talunan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 24 Susunod At-Tawbah • Talata 26