Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 24 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 24 sa 129 • Tagalog


قُلْ إِنْ كَانَ آبَاؤُكُمْ وَأَبْنَاؤُكُمْ وَإِخْوَانُكُمْ وَأَزْوَاجُكُمْ وَعَشِيرَتُكُمْ وَأَمْوَالٌ اقْتَرَفْتُمُوهَا وَتِجَارَةٌ تَخْشَوْنَ كَسَادَهَا وَمَسَاكِنُ تَرْضَوْنَهَا أَحَبَّ إِلَيْكُمْ مِنَ اللَّهِ وَرَسُولِهِ وَجِهَادٍ فِي سَبِيلِهِ فَتَرَبَّصُوا حَتَّىٰ يَأْتِيَ اللَّهُ بِأَمْرِهِ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْفَاسِقِينَ 24
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Kung ang mga magulang ninyo, ang mga kapatid ninyo, ang mga asawa ninyo, ang angkan ninyo, ang ilang yamang nakamtan ninyo, ang isang pangangalakal na kinatatakutan ninyo ang pagtumal nito, at ang ilang tirahang kinalulugdan ninyo ay higit na kaibig-ibig sa inyo kaysa kay Allāh, sa Sugo Niya, at sa isang pakikibaka ayon sa landas Niya, mag-abang kayo hanggang sa magparating si Allāh ng utos Niya.” Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail. At-Tawbah 9:24
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "Kung ang mga magulang ninyo, O mga mananampalataya, ang mga anak ninyo, ang mga kapatid ninyo, ang mga asawa ninyo, ang mga kamag-anak ninyo, ang mga yaman ninyong kinita ninyo, ang pangangalakal ninyong naiibigan ninyo ang pagkamabili nito at pinangangambahan ninyo ang pagkatumal nito, at ang mga bahay ninyong kinalulugdan ninyo ang paninirahan sa mga ito, kung ang lahat ng mga iyon ay higit na kaibig-ibig sa inyo kaysa kay Allāh at sa Sugo Niya, at kaysa sa pakikibaka ayon sa landas Niya, maghintay kayo ng ibababa ni Allāh sa inyo na parusa at parusang panghalimbawa." Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga lumalabas sa pagtalima sa Kanya para sa paggawa ayon sa kinalulugdan Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 23 Susunod At-Tawbah • Talata 25