Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 26 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 26 sa 129 • Tagalog


ثُمَّ أَنْزَلَ اللَّهُ سَكِينَتَهُ عَلَىٰ رَسُولِهِ وَعَلَى الْمُؤْمِنِينَ وَأَنْزَلَ جُنُودًا لَمْ تَرَوْهَا وَعَذَّبَ الَّذِينَ كَفَرُوا ۚ وَذَٰلِكَ جَزَاءُ الْكَافِرِينَ 26
Pagsasalin:
Pagkatapos nagpababa si Allāh ng katahimikan Niya sa Sugo Niya at sa mga mananampalataya, nagpababa Siya ng mga kawal na hindi ninyo nakita, at nagparusa Siya sa mga tumangging sumampalataya. Iyon ay ang ganti sa mga tagatangging sumampalataya. At-Tawbah 9:26
Tafsīr:
Pagkatapos ng pagtakas ninyo mula sa kaaway ninyo ay nagpababa si Allāh ng katiwasayan sa Sugo Niya at nagpababa nito sa mga mananampalataya kaya nagpakatatag sila sa pakikipaglaban, nagpababa Siya ng mga anghel na hindi ninyo sila nakikita, at nagparusa Siya sa mga tumangging sumampalataya sa pamamagitan ng nangyari sa kanila na pagkapatay, pagkabilanggo, pagkakuha ng mga yaman, at pagkabihag ng mga supling. Ang ganting iyon na iginanti sa mga ito ay ganti para sa mga tagatangging sumampalataya, na mga tagapasinungaling sa Sugo nila, na mga tagaayaw sa inihatid niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 25 Susunod At-Tawbah • Talata 27