Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Pagkatapos nagpababa si Allāh ng katahimikan Niya sa Sugo Niya at sa mga mananampalataya, nagpababa Siya ng mga kawal na hindi ninyo nakita, at nagparusa Siya sa mga tumangging sumampalataya. Iyon ay ang ganti sa mga tagatangging sumampalataya. (26)
Tafsīr
Pagkatapos ng pagtakas ninyo mula sa kaaway ninyo ay nagpababa si Allāh ng katiwasayan sa Sugo Niya at nagpababa nito sa mga mananampalataya kaya nagpakatatag sila sa pakikipaglaban, nagpababa Siya ng mga anghel na hindi ninyo sila nakikita, at nagparusa Siya sa mga tumangging sumampalataya sa pamamagitan ng nangyari sa kanila na pagkapatay, pagkabilanggo, pagkakuha ng mga yaman, at pagkabihag ng mga supling. Ang ganting iyon na iginanti sa mga ito ay ganti para sa mga tagatangging sumampalataya, na mga tagapasinungaling sa Sugo nila, na mga tagaayaw sa inihatid niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: