Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 28)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 28

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِنَّمَا الْمُشْرِكُونَ نَجَسٌ فَلَا يَقْرَبُوا الْمَسْجِدَ الْحَرَامَ بَعْدَ عَامِهِمْ هَٰذَا ۚ وَإِنْ خِفْتُمْ عَيْلَةً فَسَوْفَ يُغْنِيكُمُ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ إِنْ شَاءَ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ حَكِيمٌ 28 ٢٨

O mga sumampalataya, ang mga tagapagtambal ay salaula lamang kaya huwag silang lumapit sa Masjid na Pinakababanal matapos ng taon nilang ito. Kung nangamba kayo sa isang paghihikahos ay magpapayaman sa inyo si Allāh mula sa kabutihang-loob Niya kung niloob Niya. Tunay na si Allāh ay Maalam, Marunong. (28)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at sumunod sa isinabatas Niya para sa kanila, ang mga tagapagtambal ay salaula lamang dahil sa taglay nilang kawalang-pananampalataya, kawalang-katarungan, mga kaasalang napupulaan, at mga kaugaliang masagwa kaya huwag silang pumasok sa Looban ng Makkah – at bahagi ng sakop nito ang Masjid na Pinakababanal – kahit pa man sila ay mga magsasagawa ng ḥajj o mga magsasagawa ng `umrah, matapos ng taon nilang ito na ika-9 ng Taong Hijrah. Kung nangamba kayo, O mga mananampalataya, ng isang karalitaan dahilan sa pagkaputol ng dati nilang idinudulot sa inyo na mga pagkain at mga kalakalang nagkakaiba-iba, tunay na si Allāh ay sasapat sa inyo mula sa kabutihang-loob Niya kung niloob Niya. Tunay na si Allāh ay Maalam sa kalagayan ninyo na dinaranas ninyo, Marunong sa ipinangangasiwa Niya para sa inyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba