Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 28 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 28 sa 129 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِنَّمَا الْمُشْرِكُونَ نَجَسٌ فَلَا يَقْرَبُوا الْمَسْجِدَ الْحَرَامَ بَعْدَ عَامِهِمْ هَٰذَا ۚ وَإِنْ خِفْتُمْ عَيْلَةً فَسَوْفَ يُغْنِيكُمُ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ إِنْ شَاءَ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ حَكِيمٌ 28
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, ang mga tagapagtambal ay salaula lamang kaya huwag silang lumapit sa Masjid na Pinakababanal matapos ng taon nilang ito. Kung nangamba kayo sa isang paghihikahos ay magpapayaman sa inyo si Allāh mula sa kabutihang-loob Niya kung niloob Niya. Tunay na si Allāh ay Maalam, Marunong. At-Tawbah 9:28
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at sumunod sa isinabatas Niya para sa kanila, ang mga tagapagtambal ay salaula lamang dahil sa taglay nilang kawalang-pananampalataya, kawalang-katarungan, mga kaasalang napupulaan, at mga kaugaliang masagwa kaya huwag silang pumasok sa Looban ng Makkah – at bahagi ng sakop nito ang Masjid na Pinakababanal – kahit pa man sila ay mga magsasagawa ng ḥajj o mga magsasagawa ng `umrah, matapos ng taon nilang ito na ika-9 ng Taong Hijrah. Kung nangamba kayo, O mga mananampalataya, ng isang karalitaan dahilan sa pagkaputol ng dati nilang idinudulot sa inyo na mga pagkain at mga kalakalang nagkakaiba-iba, tunay na si Allāh ay sasapat sa inyo mula sa kabutihang-loob Niya kung niloob Niya. Tunay na si Allāh ay Maalam sa kalagayan ninyo na dinaranas ninyo, Marunong sa ipinangangasiwa Niya para sa inyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 27 Susunod At-Tawbah • Talata 29