Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 29 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 29 sa 129 • Tagalog


قَاتِلُوا الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَلَا بِالْيَوْمِ الْآخِرِ وَلَا يُحَرِّمُونَ مَا حَرَّمَ اللَّهُ وَرَسُولُهُ وَلَا يَدِينُونَ دِينَ الْحَقِّ مِنَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ حَتَّىٰ يُعْطُوا الْجِزْيَةَ عَنْ يَدٍ وَهُمْ صَاغِرُونَ 29
Pagsasalin:
Makipaglaban kayo sa mga hindi sumasampalataya kay Allāh ni sa Huling Araw, hindi nagbabawal sa ipinagbawal ni Allāh at ng Sugo Niya, at hindi nagrerelihiyon ng Relihiyon ng katotohanan, kabilang sa mga binigyan ng kasulatan hanggang sa magbigay sila ng jizyah nang kusang-loob habang sila ay mga nanliliit. At-Tawbah 9:29
Tafsīr:
Makipaglaban kayo, O mga mananampalataya, sa mga tagatangging sumampalataya na mga hindi sumasampalataya kay Allāh bilang Diyos na walang katambal sa Kanya; ni sumasampalataya sa Araw ng Pagbangon; ni umiiwas sa ipinagbawal ni Allāh at ng Sugo Niya sa kanila gaya ng [pagkain ng] maytah (hayop na namatay nang hindi kinatay), baboy, alak, patubo, at iba pa; ni nagpapasailalim sa isinabatas ni Allāh, kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, hanggang sa magbigay sila ng jizyah sa pamamagitan ng mga kamay nila bilang mga kaaba-aba na mga nagapi.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 28 Susunod At-Tawbah • Talata 30