Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 29)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 29

قَاتِلُوا الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَلَا بِالْيَوْمِ الْآخِرِ وَلَا يُحَرِّمُونَ مَا حَرَّمَ اللَّهُ وَرَسُولُهُ وَلَا يَدِينُونَ دِينَ الْحَقِّ مِنَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ حَتَّىٰ يُعْطُوا الْجِزْيَةَ عَنْ يَدٍ وَهُمْ صَاغِرُونَ 29 ٢٩

Makipaglaban kayo sa mga hindi sumasampalataya kay Allāh ni sa Huling Araw, hindi nagbabawal sa ipinagbawal ni Allāh at ng Sugo Niya, at hindi nagrerelihiyon ng Relihiyon ng katotohanan, kabilang sa mga binigyan ng kasulatan hanggang sa magbigay sila ng jizyah nang kusang-loob habang sila ay mga nanliliit. (29)

Tafsīr
Makipaglaban kayo, O mga mananampalataya, sa mga tagatangging sumampalataya na mga hindi sumasampalataya kay Allāh bilang Diyos na walang katambal sa Kanya; ni sumasampalataya sa Araw ng Pagbangon; ni umiiwas sa ipinagbawal ni Allāh at ng Sugo Niya sa kanila gaya ng [pagkain ng] maytah (hayop na namatay nang hindi kinatay), baboy, alak, patubo, at iba pa; ni nagpapasailalim sa isinabatas ni Allāh, kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, hanggang sa magbigay sila ng jizyah sa pamamagitan ng mga kamay nila bilang mga kaaba-aba na mga nagapi.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba