Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na ang bilang ng mga buwan sa ganang kay Allāh ay labindalawang buwan sa talaan ni Allāh sa araw na nilikha Niya ang mga langit at lupa; kabilang sa mga ito ay apat na pinakababanal. Iyon ay ang relihiyong matuwid, kaya huwag kayong lumabag sa katarungan sa mga [buwang] ito sa mga sarili ninyo [sa pamamagitan ng pakikidigma]. Makipaglaban kayo sa mga tagapagtambal nang lahatan gaya ng pakikipaglaban nila sa inyo nang lahatan. Alamin ninyo na si Allāh ay kasama sa mga tagapangilag magkasala. (36)
Tafsīr
Tunay na ang bilang ng mga buwan ng taon sa paghahatol ni Allāh at paghuhusga Niya ay labindalawang buwan ayon sa pinagtibay ni Allāh sa Tablerong Pinangalagaan nang unang nilikha ang mga langit at lupa. Kabilang sa labindalawang buwang ito ay apat na buwang ipinagbawal ni Allāh sa mga ito ang pakikipaglaban. Ang mga ito ay tatlong magkakasunod: Dhulqa`dah, Dhulḥijjah, at Muḥarram, at isang namumukod-tangi: Rajab. Ang nabanggit na iyon na bilang ng mga buwan ng taon at pagbabawal sa apat sa mga ito ay ang relihiyong tuwid. Kaya huwag kayong lumabag sa katarungan sa mga buwang pinakababanal na ito sa mga sarili ninyo sa pamamagitan ng pagpapaganap ng pakikipaglaban sa mga ito at paglapastangan sa kabanalan ng mga ito. Makipaglaban kayo sa mga tagapagtambal nang sama-sama kung paanong sila ay nakikipaglaban sa inyo nang sama-sama. Alamin ninyo na si Allāh ay kasama sa mga nangingilag magkasala sa Kanya, sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya at pag-iwas sa sinaway Niya, sa pamamagitan ng pagpapawagi at pagpapatatag. Ang sinumang si Allāh ay kasama sa kanya ay hindi magagapi ng isa man.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: