Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 42)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 42

لَوْ كَانَ عَرَضًا قَرِيبًا وَسَفَرًا قَاصِدًا لَاتَّبَعُوكَ وَلَٰكِنْ بَعُدَتْ عَلَيْهِمُ الشُّقَّةُ ۚ وَسَيَحْلِفُونَ بِاللَّهِ لَوِ اسْتَطَعْنَا لَخَرَجْنَا مَعَكُمْ يُهْلِكُونَ أَنْفُسَهُمْ وَاللَّهُ يَعْلَمُ إِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ 42 ٤٢

Kung sakaling ito ay naging isang mahihitang malapit o isang paglalakbay na katamtaman, talaga sanang sumunod sila sa iyo, subalit lumayo para sa kanila ang agwat. Manunumpa sila kay Allāh: “Kung sakaling nakaya namin ay talaga sanang lumisan kami kasama sa inyo,” habang nagpapahamak sila ng mga sarili nila. Si Allāh ay nakaaalam na tunay na sila ay talagang mga sinungaling. (42)

Tafsīr
Kung sakaling nangyaring ang inaanyaya ninyo sa mga nagpaalam sa iyo na magpaiwan kabilang sa mga mapagpaimbabaw ay isang madaliang [pagkuha ng] samsam sa digmaan at isang paglalakbay na walang paghihirap, talaga sanang sumunod sila sa iyo, O Propeta, subalit lumayo para sa kanila ang distansiya na inanyaya mo sa kanila para bagtasin patungo sa kaaway, kaya nagpaiwan sila. Manunumpa kay Allāh ang mga nagpapaalam na ito na magpaiwan kabilang sa mga mapagpaimbabaw kapag babalik ka sa kanila, na mga magsasabi: "Kung sakaling nakaya namin ang pagsugod tungo sa pakikibaka kasama sa inyo ay talaga sanang lumisan kami," habang nagpapahamak sila ng mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahantad sa mga ito sa parusa ni Allāh dahilan ng pagpapaiwan nila at dahilan sa mga panunumpang sinungaling na ito. Si Allāh ay nakaaalam na sila ay mga sinungaling sa pag-aangkin nila at sa mga panunumpa nilang ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba