Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 42 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 42 sa 129 • Tagalog


لَوْ كَانَ عَرَضًا قَرِيبًا وَسَفَرًا قَاصِدًا لَاتَّبَعُوكَ وَلَٰكِنْ بَعُدَتْ عَلَيْهِمُ الشُّقَّةُ ۚ وَسَيَحْلِفُونَ بِاللَّهِ لَوِ اسْتَطَعْنَا لَخَرَجْنَا مَعَكُمْ يُهْلِكُونَ أَنْفُسَهُمْ وَاللَّهُ يَعْلَمُ إِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ 42
Pagsasalin:
Kung sakaling ito ay naging isang mahihitang malapit o isang paglalakbay na katamtaman, talaga sanang sumunod sila sa iyo, subalit lumayo para sa kanila ang agwat. Manunumpa sila kay Allāh: “Kung sakaling nakaya namin ay talaga sanang lumisan kami kasama sa inyo,” habang nagpapahamak sila ng mga sarili nila. Si Allāh ay nakaaalam na tunay na sila ay talagang mga sinungaling. At-Tawbah 9:42
Tafsīr:
Kung sakaling nangyaring ang inaanyaya ninyo sa mga nagpaalam sa iyo na magpaiwan kabilang sa mga mapagpaimbabaw ay isang madaliang [pagkuha ng] samsam sa digmaan at isang paglalakbay na walang paghihirap, talaga sanang sumunod sila sa iyo, O Propeta, subalit lumayo para sa kanila ang distansiya na inanyaya mo sa kanila para bagtasin patungo sa kaaway, kaya nagpaiwan sila. Manunumpa kay Allāh ang mga nagpapaalam na ito na magpaiwan kabilang sa mga mapagpaimbabaw kapag babalik ka sa kanila, na mga magsasabi: "Kung sakaling nakaya namin ang pagsugod tungo sa pakikibaka kasama sa inyo ay talaga sanang lumisan kami," habang nagpapahamak sila ng mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahantad sa mga ito sa parusa ni Allāh dahilan ng pagpapaiwan nila at dahilan sa mga panunumpang sinungaling na ito. Si Allāh ay nakaaalam na sila ay mga sinungaling sa pag-aangkin nila at sa mga panunumpa nilang ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 41 Susunod At-Tawbah • Talata 43