Humayo kayo [sa pakikibaka] nang magagaan at mabibigat at makibaka kayo sa pamamagitan ng mga yaman ninyo at mga sarili ninyo ayon sa landas ni Allāh. Iyon ay mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam. At-Tawbah 9:41 ⧉
Tafsīr:
Maglakbay kayo, O mga mananampalataya, para sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh sa hirap at ginhawa, mga kabataan at mga katandaan. Makibaka kayo sa pamamagitan ng mga yaman ninyo at mga sarili ninyo sapagkat tunay na ang pagsugod at ang pakikibaka na iyon sa pamamagitan ng mga yaman at mga sarili ay higit sa pakinabang sa buhay na pangmundo at Kabilang-buhay kaysa sa pananatili sa bahay at pagkahumaling sa kaligtasan ng mga yaman at mga sarili. Kung kayo ay nakaaalam niyon, magsigasig kayo roon.