Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 40 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 40 sa 129 • Tagalog


إِلَّا تَنْصُرُوهُ فَقَدْ نَصَرَهُ اللَّهُ إِذْ أَخْرَجَهُ الَّذِينَ كَفَرُوا ثَانِيَ اثْنَيْنِ إِذْ هُمَا فِي الْغَارِ إِذْ يَقُولُ لِصَاحِبِهِ لَا تَحْزَنْ إِنَّ اللَّهَ مَعَنَا ۖ فَأَنْزَلَ اللَّهُ سَكِينَتَهُ عَلَيْهِ وَأَيَّدَهُ بِجُنُودٍ لَمْ تَرَوْهَا وَجَعَلَ كَلِمَةَ الَّذِينَ كَفَرُوا السُّفْلَىٰ ۗ وَكَلِمَةُ اللَّهِ هِيَ الْعُلْيَا ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ 40
Pagsasalin:
Kung hindi kayo mag-aadya sa kanya, nag-adya na sa kanya si Allāh noong nagpalisan sa kanya ang mga tumangging sumampalataya bilang ikalawa sa dalawa noong silang dalawa ay nasa yungib noong nagsasabi siya sa kasamahan niya: “Huwag kang malungkot; tunay na si Allāh ay kasama sa atin.” Kaya nagpababa si Allāh ng katahimikan Niya rito, nag-alalay Siya rito ng mga kawal [na anghel] na hindi ninyo nakita, at gumawa Siya sa salita ng mga tumangging sumampalataya bilang ang pinakamababa samantalang ang salita ni Allāh ay ang pinakamataas. Si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong. At-Tawbah 9:40
Tafsīr:
Kung hindi kayo, O mga mananampalataya, mag-aadya sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at tutugon sa paanyaya niya para sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh, nag-adya na sa kanya si Allāh nang hindi kayo naging kasama sa kanya nang nagpalisan ang mga tagapagtambal sa kanya at kay Abū Bakr – malugod si Allāh sa kanya. Walang ikatlong [kasama] sa kanilang dalawa – nang silang dalawa ay nasa Yungib ng Thawr habang mga nagkukubli mula sa mga tagatangging sumampalataya na naghahanap sa kanilang dalawa – nang nagsasabi ang Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa kasamahan niyang si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq nang nangamba ito na makaabot dito ang mga tagapagtambal: "Huwag kang malungkot; tunay na si Allāh ay kasama sa atin sa pamamagitan ng pag-alalay Niya at pag-aadya Niya." Kaya nagpababa si Allāh ng kapanatagan sa puso ng Sugo Niya at nagpababa sa kanya ng mga kawal na hindi ninyo nasasaksihan. Sila ay ang mga anghel na umaalalay sa kanya. Ginawa Niya ang salita ng mga tagapagtambal bilang ang pinakamababa. Ang salita ni Allāh ay ang pinakamataas nang nagpataas Siya sa Islām. Si Allāh ay Makapangyarihan sa sarili Niya, sa paglupig Niya, at paghahari Niya: walang dumadaig sa Kanya na isa man; Marunong sa pangangasiwa Niya, pagtatakda Niya, at sa batas Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 39 Susunod At-Tawbah • Talata 41