Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi nagpapaalam sa iyo ang mga sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw na makibaka sila sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Si Allāh ay Maalam sa mga tagapangilag magkasala. (44)
Tafsīr
Hindi kabilang sa gawi ng mga mananampalataya kay Allāh at sa Araw ng Pagbangon ayon sa isang pananampalatayang tapat na humiling sila sa iyo, O Sugo, ng pahintulot sa pagpapaiwan sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Bagkus ang gawi nila ay na humayo sila [sa pakikibaka] kapag pinahayo mo sila at na makibaka sila sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Si Allāh ay Maalam sa mga tagapangilag magkasala kabilang sa mga lingkod Niya na hindi nagpapaalam sa iyo malibang may mga kadahilanang pumipigil sa kanila sa pagsugod kasama sa iyo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: