Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 49)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 49

وَمِنْهُمْ مَنْ يَقُولُ ائْذَنْ لِي وَلَا تَفْتِنِّي ۚ أَلَا فِي الْفِتْنَةِ سَقَطُوا ۗ وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمُحِيطَةٌ بِالْكَافِرِينَ 49 ٤٩

Mayroon sa kanila na nagsasabi: “Magpahintulot ka sa akin [na magpaiwan] at huwag kang sumubok sa akin.” Kaingat, sa pagsubok ay bumagsak sila. Tunay na ang Impiyerno ay talagang tagapaligid sa mga tagatangging sumampalataya. (49)

Tafsīr
Mayroon sa mga mapagpaimbabaw na nagdadahi-dahilan ng mga dahi-dahilang magkakaiba saka nagsasabi: "O Sugo ni Allāh, magpahintulot ka sa akin na magpaiwan sa pakikibaka at huwag mong iudyok sa akin ang pagsugod kasama sa iyo upang walang dumapo sa akin na pagkakasala dahilan sa tukso ng kababaihan ng kaaway, ang mga Bizanteo, kapag nasaksihan ko sila." Kaingat, nasadlak sila sa isang tukso na higit na mabigat kaysa sa inakala nila, ang tukso ng pagpapaimbabaw at ang tukso ng pagpapaiwan. Tunay na ang Impiyerno, sa Araw ng Pagbangon, ay talagang sasaklaw sa mga tagatangging sumampalataya. Walang makaaalpas doon na isa man kabilang sa kanila at hindi sila makatatagpo palayo roon ng isang matatakasan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba