Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 49 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 49 sa 129 • Tagalog


وَمِنْهُمْ مَنْ يَقُولُ ائْذَنْ لِي وَلَا تَفْتِنِّي ۚ أَلَا فِي الْفِتْنَةِ سَقَطُوا ۗ وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمُحِيطَةٌ بِالْكَافِرِينَ 49
Pagsasalin:
Mayroon sa kanila na nagsasabi: “Magpahintulot ka sa akin [na magpaiwan] at huwag kang sumubok sa akin.” Kaingat, sa pagsubok ay bumagsak sila. Tunay na ang Impiyerno ay talagang tagapaligid sa mga tagatangging sumampalataya. At-Tawbah 9:49
Tafsīr:
Mayroon sa mga mapagpaimbabaw na nagdadahi-dahilan ng mga dahi-dahilang magkakaiba saka nagsasabi: "O Sugo ni Allāh, magpahintulot ka sa akin na magpaiwan sa pakikibaka at huwag mong iudyok sa akin ang pagsugod kasama sa iyo upang walang dumapo sa akin na pagkakasala dahilan sa tukso ng kababaihan ng kaaway, ang mga Bizanteo, kapag nasaksihan ko sila." Kaingat, nasadlak sila sa isang tukso na higit na mabigat kaysa sa inakala nila, ang tukso ng pagpapaimbabaw at ang tukso ng pagpapaiwan. Tunay na ang Impiyerno, sa Araw ng Pagbangon, ay talagang sasaklaw sa mga tagatangging sumampalataya. Walang makaaalpas doon na isa man kabilang sa kanila at hindi sila makatatagpo palayo roon ng isang matatakasan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 48 Susunod At-Tawbah • Talata 50