Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 50 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 50 sa 129 • Tagalog


إِنْ تُصِبْكَ حَسَنَةٌ تَسُؤْهُمْ ۖ وَإِنْ تُصِبْكَ مُصِيبَةٌ يَقُولُوا قَدْ أَخَذْنَا أَمْرَنَا مِنْ قَبْلُ وَيَتَوَلَّوْا وَهُمْ فَرِحُونَ 50
Pagsasalin:
Kung may tatama sa iyo na isang maganda ay magpapasama ng loob nila ito. Kung may tatama sa iyo na isang kapahamakan ay magsasabi sila: “Kumuha na kami ng nauukol sa amin bago pa niyan,” at tatalikod sila habang sila ay masaya. At-Tawbah 9:50
Tafsīr:
Kung may umabot sa iyo, O Sugo ni Allāh, na isang biyaya mula kay Allāh dahil sa nagpapagalak sa iyo na isang pagwawagi o isang samsam sa digmaan ay nasusuklam sila roon at nalulungkot sila dahil doon. Kung may umabot sa iyo na isang kapahamakan gaya ng isang kalamidad o isang pagkawagi ng kaaway ay nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw na ito: "Nag-ingat na kami para sa mga sarili namin at nagsagawa ng paghuhunos-dili nang hindi kami sumugod para sa pakikipaglaban gaya ng pagsugod ng mga mananampalataya kaya dumapo sa kanila ang dumapo sa kanila na pagkapatay at pagkabihag." Pagkatapos lumilisan ang mga mapagpaimbabaw na ito patungo sa mga mag-anak nila habang mga nagagalak sa pagkakaligtas.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 49 Susunod At-Tawbah • Talata 51