Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kung may tatama sa iyo na isang maganda ay magpapasama ng loob nila ito. Kung may tatama sa iyo na isang kapahamakan ay magsasabi sila: “Kumuha na kami ng nauukol sa amin bago pa niyan,” at tatalikod sila habang sila ay masaya. (50)
Tafsīr
Kung may umabot sa iyo, O Sugo ni Allāh, na isang biyaya mula kay Allāh dahil sa nagpapagalak sa iyo na isang pagwawagi o isang samsam sa digmaan ay nasusuklam sila roon at nalulungkot sila dahil doon. Kung may umabot sa iyo na isang kapahamakan gaya ng isang kalamidad o isang pagkawagi ng kaaway ay nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw na ito: "Nag-ingat na kami para sa mga sarili namin at nagsagawa ng paghuhunos-dili nang hindi kami sumugod para sa pakikipaglaban gaya ng pagsugod ng mga mananampalataya kaya dumapo sa kanila ang dumapo sa kanila na pagkapatay at pagkabihag." Pagkatapos lumilisan ang mga mapagpaimbabaw na ito patungo sa mga mag-anak nila habang mga nagagalak sa pagkakaligtas.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: