Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 51)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 51

قُلْ لَنْ يُصِيبَنَا إِلَّا مَا كَتَبَ اللَّهُ لَنَا هُوَ مَوْلَانَا ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ 51 ٥١

Sabihin mo: “Walang tatama sa amin kundi ang itinakda ni Allāh para sa amin. Siya ay ang Tagatangkilik namin. Kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.” (51)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga mapagpaimbabaw na ito: "Walang aabot sa amin kundi ang itinakda ni Allāh para sa amin. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Pinapanginoon namin at ang Kalingaan Namin na nagpapakalinga kami. Kami ay mga nananalig sa Kanya sa mga kapakanan namin. Sa Kanya lamang ipinagkakatiwala ng mga mananampalataya ang mga kapakanan nila sapagkat Siya ay nakasasapat sa kanila. Kay inam ang Pinagkakatiwalaan!

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba