Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 54)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 54

وَمَا مَنَعَهُمْ أَنْ تُقْبَلَ مِنْهُمْ نَفَقَاتُهُمْ إِلَّا أَنَّهُمْ كَفَرُوا بِاللَّهِ وَبِرَسُولِهِ وَلَا يَأْتُونَ الصَّلَاةَ إِلَّا وَهُمْ كُسَالَىٰ وَلَا يُنْفِقُونَ إِلَّا وَهُمْ كَارِهُونَ 54 ٥٤

Walang pumigil sa kanila na tanggapin mula sa kanila ang mga gugol nila kundi dahil sila ay tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, hindi pumupunta sa dasal kundi habang sila ay mga tamad, at hindi gumugugol kundi habang sila ay mga nasusuklam. (54)

Tafsīr
Walang pumigil sa kanila sa pagtanggap sa mga gugol nila kundi ang tatlong bagay: ang kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at sa Sugo Niya, ang katamaran nila at ang pagbibigat-bigatan ng katawan nila kapag nagdarasal sila, at dahil sila ay hindi gumugugol ng mga yaman nila nang kusang-loob at gumugugol lamang sila dahil napipilitan dahil sila ay hindi naghahangad ng gantimpala sa pagdarasal nila ni sa paggugol nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba