Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 54 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 54 sa 129 • Tagalog


وَمَا مَنَعَهُمْ أَنْ تُقْبَلَ مِنْهُمْ نَفَقَاتُهُمْ إِلَّا أَنَّهُمْ كَفَرُوا بِاللَّهِ وَبِرَسُولِهِ وَلَا يَأْتُونَ الصَّلَاةَ إِلَّا وَهُمْ كُسَالَىٰ وَلَا يُنْفِقُونَ إِلَّا وَهُمْ كَارِهُونَ 54
Pagsasalin:
Walang pumigil sa kanila na tanggapin mula sa kanila ang mga gugol nila kundi dahil sila ay tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, hindi pumupunta sa dasal kundi habang sila ay mga tamad, at hindi gumugugol kundi habang sila ay mga nasusuklam. At-Tawbah 9:54
Tafsīr:
Walang pumigil sa kanila sa pagtanggap sa mga gugol nila kundi ang tatlong bagay: ang kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at sa Sugo Niya, ang katamaran nila at ang pagbibigat-bigatan ng katawan nila kapag nagdarasal sila, at dahil sila ay hindi gumugugol ng mga yaman nila nang kusang-loob at gumugugol lamang sila dahil napipilitan dahil sila ay hindi naghahangad ng gantimpala sa pagdarasal nila ni sa paggugol nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 53 Susunod At-Tawbah • Talata 55