Kaya huwag magpahanga sa iyo ang mga yaman nila ni ang mga anak nila. Nagnanais lamang si Allāh na pagdusahin sila sa pamamagitan ng mga ito sa buhay na pangmundo at pumanaw ang mga kaluluwa nila habang sila ay mga tagatangging sumampalataya. At-Tawbah 9:55 ⧉
Tafsīr:
Kaya huwag magpahanga sa iyo, O Sugo, ang mga yaman ng mga mapagpaimbabaw ni ang mga anak nila at huwag mong magandahin ang mga ito. Ang kahihinatnan ng mga yaman nila at mga anak nila ay masagwa. Si Allāh ay gagawa sa mga ito bilang pagdurusa laban sa kanila sa pamamagitan ng pagpapagal at pagpapagod sa pagtamo sa mga ito at sa pamamagitan ng bumababa na mga kapahamakan sa mga ito, hanggang sa magpalabas si Allāh ng mga kaluluwa nila sa sandali ng kawalang-pananampalataya nila, kaya pagdurusahin Niya sila sa pamamagitan ng pananatili sa pinakamababang palapag ng Apoy.