Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 56 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 56 sa 129 • Tagalog


وَيَحْلِفُونَ بِاللَّهِ إِنَّهُمْ لَمِنْكُمْ وَمَا هُمْ مِنْكُمْ وَلَٰكِنَّهُمْ قَوْمٌ يَفْرَقُونَ 56
Pagsasalin:
Nanunumpa sila kay Allāh na tunay na sila ay talagang kabilang sa inyo samantalang hindi sila kabilang sa inyo, subalit sila ay mga taong nahihintakutan [kaya nagpapanggap]. At-Tawbah 9:56
Tafsīr:
Sumusumpa ang mga mapagpaimbabaw sa inyo, O mga mananampalataya, habang mga nagsisinungaling na tunay na sila raw ay kabilang sa kabuuan ninyo samantalang sila ay hindi kabilang sa inyo sa mga kaibuturan nila, kahit pa nagpapakita sila na sila ay kabilang sa inyo. Bagkus sila ay mga taong nangangamba na dumapo sa kanila ang dumapo sa mga tagapagtambal na pagkapatay at pagkabihag, kaya nagpapakita sila ng pag-anib sa Islām bilang pagkukubli ng tunay na saloobin.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 55 Susunod At-Tawbah • Talata 57