Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 56)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 56

وَيَحْلِفُونَ بِاللَّهِ إِنَّهُمْ لَمِنْكُمْ وَمَا هُمْ مِنْكُمْ وَلَٰكِنَّهُمْ قَوْمٌ يَفْرَقُونَ 56 ٥٦

Nanunumpa sila kay Allāh na tunay na sila ay talagang kabilang sa inyo samantalang hindi sila kabilang sa inyo, subalit sila ay mga taong nahihintakutan [kaya nagpapanggap]. (56)

Tafsīr
Sumusumpa ang mga mapagpaimbabaw sa inyo, O mga mananampalataya, habang mga nagsisinungaling na tunay na sila raw ay kabilang sa kabuuan ninyo samantalang sila ay hindi kabilang sa inyo sa mga kaibuturan nila, kahit pa nagpapakita sila na sila ay kabilang sa inyo. Bagkus sila ay mga taong nangangamba na dumapo sa kanila ang dumapo sa mga tagapagtambal na pagkapatay at pagkabihag, kaya nagpapakita sila ng pag-anib sa Islām bilang pagkukubli ng tunay na saloobin.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba