Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 59)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 59

وَلَوْ أَنَّهُمْ رَضُوا مَا آتَاهُمُ اللَّهُ وَرَسُولُهُ وَقَالُوا حَسْبُنَا اللَّهُ سَيُؤْتِينَا اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ وَرَسُولُهُ إِنَّا إِلَى اللَّهِ رَاغِبُونَ 59 ٥٩

Kung sana sila ay nalugod sa ibinigay sa kanila ni Allāh at ng Sugo Niya at nagsabi: “Kasapatan sa amin si Allāh; magbibigay sa amin si Allāh mula sa kabutihang-loob Niya at ang Sugo Niya. Tunay na kami kay Allāh ay mga nagmimithi.” (59)

Tafsīr
Kung sana ang mga mapagpaimbabaw na ito na namimintas sa iyo sa paghahati ng mga kawanggawa ay nalugod sa isinatungkulin ni Allāh para sa kanila at sa ibinigay sa kanila ng Sugo Niya mula sa mga ito at nagsabi: "Nakasasapat sa amin si Allāh; magbibigay sa amin si Allāh mula sa kabutihang-loob Niya ng niloob Niya at magbibigay sa amin ang Sugo Niya mula sa ibinigay Niya rito. Tunay na kami kay Allāh lamang ay mga nagmimithi na magbigay Siya sa amin mula sa kabutihang-loob Niya." Kung sana sila ay gumawa niyon, talaga sanang iyon ay higit na mabuti para sa kanila kaysa sa mamintas sila sa iyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba