Kung sana sila ay nalugod sa ibinigay sa kanila ni Allāh at ng Sugo Niya at nagsabi: “Kasapatan sa amin si Allāh; magbibigay sa amin si Allāh mula sa kabutihang-loob Niya at ang Sugo Niya. Tunay na kami kay Allāh ay mga nagmimithi.” At-Tawbah 9:59 ⧉
Tafsīr:
Kung sana ang mga mapagpaimbabaw na ito na namimintas sa iyo sa paghahati ng mga kawanggawa ay nalugod sa isinatungkulin ni Allāh para sa kanila at sa ibinigay sa kanila ng Sugo Niya mula sa mga ito at nagsabi: "Nakasasapat sa amin si Allāh; magbibigay sa amin si Allāh mula sa kabutihang-loob Niya ng niloob Niya at magbibigay sa amin ang Sugo Niya mula sa ibinigay Niya rito. Tunay na kami kay Allāh lamang ay mga nagmimithi na magbigay Siya sa amin mula sa kabutihang-loob Niya." Kung sana sila ay gumawa niyon, talaga sanang iyon ay higit na mabuti para sa kanila kaysa sa mamintas sila sa iyo.