Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 60 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 60 sa 129 • Tagalog


إِنَّمَا الصَّدَقَاتُ لِلْفُقَرَاءِ وَالْمَسَاكِينِ وَالْعَامِلِينَ عَلَيْهَا وَالْمُؤَلَّفَةِ قُلُوبُهُمْ وَفِي الرِّقَابِ وَالْغَارِمِينَ وَفِي سَبِيلِ اللَّهِ وَابْنِ السَّبِيلِ ۖ فَرِيضَةً مِنَ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ 60
Pagsasalin:
Ang mga [tungkuling] kawanggawa ay ukol lamang sa mga maralita, mga dukha, mga manggagawa sa mga ito, napalulubag-loob ang mga puso, sa pagpapalaya ng alipin at mga nagkakautang, ayon sa landas ni Allāh, at kinapos sa daan – bilang tungkulin mula kay Allāh. Si Allāh ay Maalam, Marunong. At-Tawbah 9:60
Tafsīr:
Ang mga zakāh na kinakailangan ay kinakailangan na gugulin para sa mga maralita, ang mga nangangailangan na may ari-arian mula sa isang trabaho o propesyon subalit ito ay hindi nakasasapat sa kanila ni hindi napapansin ang kalagayan nila; mga dukha, ang mga hindi halos nagmamay-ari ng anuman at hindi sila nagkukubli sa mga tao dahilan sa kalagayan nila o nasasabi nila; para sa mga manggagawa na mga ipinadadala ng pinuno para sa pagkalap sa mga ito; para sa mga tagatangging sumampalataya na napalulubag-loob sa pamamagitan ng mga ito upang yumakap sila sa Islām, o para sa mga mahina ang pananampalataya upang lumakas ang pananampalataya nila, o para sa sinumang maitutulak sa pamamagitan ng mga ito ang kasamaan niya; na gugulin sa mga alipin upang mapalaya sila sa pamamagitan ng mga ito; para sa mga nagkakautang nang hindi dahil sa pagsasayang ni hindi sa pagsuway, kung hindi sila nakatagpo ng pambayad para sa nakaatang sa kanila na pagkakautang; na gugulin sa paghahanda ng mga nakikibaka ayon sa landas ni Allāh; at para sa manlalakbay na kinapos ang panggugol nito. Ang paglilimita sa paggugol ng mga zakāh para sa mga ito ay isang tungkulin mula Allāh. Si Allāh ay Maalam sa mga kapakanan ng mga lingkod Niya, Marunong sa pangangasiwa Niya at batas Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 59 Susunod At-Tawbah • Talata 61