Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 61 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 61 sa 129 • Tagalog


وَمِنْهُمُ الَّذِينَ يُؤْذُونَ النَّبِيَّ وَيَقُولُونَ هُوَ أُذُنٌ ۚ قُلْ أُذُنُ خَيْرٍ لَكُمْ يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَيُؤْمِنُ لِلْمُؤْمِنِينَ وَرَحْمَةٌ لِلَّذِينَ آمَنُوا مِنْكُمْ ۚ وَالَّذِينَ يُؤْذُونَ رَسُولَ اللَّهِ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ 61
Pagsasalin:
Mayroon sa kanila na mga nananakit sa Propeta at nagsasabi: “Siya ay isang tainga [na dumidinig].” Sabihin mo: “[Siya ay] isang tainga ng kabutihan para sa inyo, na sumasampalataya kay Allāh at naniniwala sa mga mananampalataya, at isang awa para sa mga sumampalataya kabilang sa inyo.” Ang mga nananakit sa Sugo ni Allāh, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit. At-Tawbah 9:61
Tafsīr:
Kabilang sa mga mapagpaimbabaw ang mga nananakit sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pamamagitan ng pananalita sapagkat nagsasabi sila noong nakasaksi sila sa pagtitimpi niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "Tunay na siya ay nakikinig sa bawat isa, naniniwala rito, at hindi nakatatalos sa pagkakaiba ng katotohanan at kabulaanan." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Tunay na ang Sugo ay hindi dumidinig maliban sa kabutihan, naniniwala kay Allāh, naniniwala sa ipinababatid ng mga mananampalataya na mga tapat, at naaawa sa kanila sapagkat tunay na ang pagkakapadala sa kanya ay isang awa para sa sinumang sumampalataya sa kanya." Ang mga nananakit sa kanya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng alinmang uri mula sa mga uri ng pananakit, ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 60 Susunod At-Tawbah • Talata 62