Nanunumpa sila kay Allāh para sa inyo upang magpalugod sila sa inyo samantalang si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na karapat-dapat na palugurin nila kung sila ay mga mananampalataya [talaga]. At-Tawbah 9:62 ⧉
Tafsīr:
Sumusumpa ang mga mapagpaimbabaw kay Allāh para sa inyo, O mga mananampalataya, na sila ay hindi nagsabi ng anumang nakasasakit sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Iyon ay upang palugurin nila kayo sa kanila samantalang si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na karapat-dapat sa pagpapalugod sa pamamagitan ng pananampalataya at gawang maayos, kung ang mga ito ay mga mananampalataya nang totohanan.