Hindi ba sila nakaalam na ang sinumang sumasalangsang kay Allāh at sa Sugo Niya ay ukol sa kanya ang Apoy ng Impiyerno bilang mananatili roon? Iyon ay ang kahihiyang sukdulan. At-Tawbah 9:63 ⧉
Tafsīr:
Hindi ba nakaaalam ang mga mapagpaimbabaw na ito na sila, sa pamamagitan ng gawa nilang ito, ay mga nakikipag-away kay Allāh at sa Sugo Niya, at na ang sinumang nakikipag-away kay Allāh at sa Sugo Niya ay papasok sa Araw ng Pagbangon sa Apoy ng Impiyerno bilang mamamalagi roon magpakailanman? Iyon ay ang pagkahamak at ang pagkaabang malaki.