Nangingilag ang mga mapagpaimbabaw na may ibaba sa kanila na isang kabanata [ng Qur’ān] na magbabalita sa kanila hinggil sa nasa mga puso nila. Sabihin mo: “Mangutya kayo; tunay na si Allāh ay magpapalabas sa pinangingilagan ninyo.” At-Tawbah 9:64 ⧉
Tafsīr:
Nangangamba ang mga mapagpaimbabaw na magpababa si Allāh sa Sugo Niya ng isang kabanatang magpapatalos sa mga mananampalataya sa kinikimkim nila sa mga puso nila na kawalang-pananampalataya. Sabihin mo, O Sugo: "Magpatuloy kayo, O mga mapagpaimbabaw, sa panunuya ninyo at paninirang-puri ninyo sa relihiyon sapagkat si Allāh ay magpapalabas sa pinangangambahan ninyo sa pamamagitan ng pagpapababa ng isang kabanata o sa pamamagitan ng pagpapabatid sa Sugo Niya hinggil doon.