Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 65 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 65 sa 129 • Tagalog


وَلَئِنْ سَأَلْتَهُمْ لَيَقُولُنَّ إِنَّمَا كُنَّا نَخُوضُ وَنَلْعَبُ ۚ قُلْ أَبِاللَّهِ وَآيَاتِهِ وَرَسُولِهِ كُنْتُمْ تَسْتَهْزِئُونَ 65
Pagsasalin:
Talagang kung nagtanong ka sa kanila ay talagang magsasabi nga sila: “Dati kaming tumatalakay [sa kabulaanan] at naglalaro lamang.” Sabihin mo: “Kay Allāh, sa mga tanda Niya, at sa Sugo Niya ba dati kayong nangungutya? At-Tawbah 9:65
Tafsīr:
Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga mapagpaimbabaw tungkol sa sinabi nilang paninirang-puri at panlalait sa mga mananampalataya matapos ng pagpapabatid ni Allāh sa iyo hinggil doon ay talagang magsasabi nga sila: "Dati kaming nasa isang pag-uusap na nagbibiro roon at hindi kami dati mga seryoso." Sabihin mo, O Sugo: "Kay Allāh, sa mga tanda Niya, at sa Sugo Niya ba dati kayong nangungutya?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 64 Susunod At-Tawbah • Talata 66