Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 64)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 64

يَحْذَرُ الْمُنَافِقُونَ أَنْ تُنَزَّلَ عَلَيْهِمْ سُورَةٌ تُنَبِّئُهُمْ بِمَا فِي قُلُوبِهِمْ ۚ قُلِ اسْتَهْزِئُوا إِنَّ اللَّهَ مُخْرِجٌ مَا تَحْذَرُونَ 64 ٦٤

Nangingilag ang mga mapagpaimbabaw na may ibaba sa kanila na isang kabanata [ng Qur’ān] na magbabalita sa kanila hinggil sa nasa mga puso nila. Sabihin mo: “Mangutya kayo; tunay na si Allāh ay magpapalabas sa pinangingilagan ninyo.” (64)

Tafsīr
Nangangamba ang mga mapagpaimbabaw na magpababa si Allāh sa Sugo Niya ng isang kabanatang magpapatalos sa mga mananampalataya sa kinikimkim nila sa mga puso nila na kawalang-pananampalataya. Sabihin mo, O Sugo: "Magpatuloy kayo, O mga mapagpaimbabaw, sa panunuya ninyo at paninirang-puri ninyo sa relihiyon sapagkat si Allāh ay magpapalabas sa pinangangambahan ninyo sa pamamagitan ng pagpapababa ng isang kabanata o sa pamamagitan ng pagpapabatid sa Sugo Niya hinggil doon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba