Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kung may isa kabilang sa mga tagapagtambal na nagpakalinga sa iyo ay kalingain mo siya hanggang sa makarinig siya ng pananalita ni Allāh. Pagkatapos paabutin mo siya sa pook ng kaligtasan niya. Iyon ay dahil sila ay mga taong hindi nakaaalam [sa Islām]. (6)
Tafsīr
Kung may pumasok na isa kabilang sa mga tagapagtambal na ipinahihintulot labagin ang buhay at ang ari-arian at humiling ito ng pagkalinga mo, O Sugo, sagutin mo siya sa hiling niya hanggang sa makarinig siya ng Qur'ān. Pagkatapos paratingin mo siya sa isang pook na maliligtas siya roon. Iyon ay dahil ang mga tagatangging sumampalataya ay mga taong hindi nakaaalam sa mga katotohanan ng Relihiyong ito. Kaya kapag nakaalam sila sa mga ito mula sa pakikinig sa pagbigkas ng Qur'ān, baka mapatnubayan sila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: