Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 6 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 6 sa 129 • Tagalog


وَإِنْ أَحَدٌ مِنَ الْمُشْرِكِينَ اسْتَجَارَكَ فَأَجِرْهُ حَتَّىٰ يَسْمَعَ كَلَامَ اللَّهِ ثُمَّ أَبْلِغْهُ مَأْمَنَهُ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَا يَعْلَمُونَ 6
Pagsasalin:
Kung may isa kabilang sa mga tagapagtambal na nagpakalinga sa iyo ay kalingain mo siya hanggang sa makarinig siya ng pananalita ni Allāh. Pagkatapos paabutin mo siya sa pook ng kaligtasan niya. Iyon ay dahil sila ay mga taong hindi nakaaalam [sa Islām]. At-Tawbah 9:6
Tafsīr:
Kung may pumasok na isa kabilang sa mga tagapagtambal na ipinahihintulot labagin ang buhay at ang ari-arian at humiling ito ng pagkalinga mo, O Sugo, sagutin mo siya sa hiling niya hanggang sa makarinig siya ng Qur'ān. Pagkatapos paratingin mo siya sa isang pook na maliligtas siya roon. Iyon ay dahil ang mga tagatangging sumampalataya ay mga taong hindi nakaaalam sa mga katotohanan ng Relihiyong ito. Kaya kapag nakaalam sila sa mga ito mula sa pakikinig sa pagbigkas ng Qur'ān, baka mapatnubayan sila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 5 Susunod At-Tawbah • Talata 7