Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 5 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 5 sa 129 • Tagalog


فَإِذَا انْسَلَخَ الْأَشْهُرُ الْحُرُمُ فَاقْتُلُوا الْمُشْرِكِينَ حَيْثُ وَجَدْتُمُوهُمْ وَخُذُوهُمْ وَاحْصُرُوهُمْ وَاقْعُدُوا لَهُمْ كُلَّ مَرْصَدٍ ۚ فَإِنْ تَابُوا وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ وَآتَوُا الزَّكَاةَ فَخَلُّوا سَبِيلَهُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ 5
Pagsasalin:
Kaya kapag lumipas ang mga buwang pinakababanal ay patayin ninyo ang mga tagapagtambal saanman kayo nakatagpo sa kanila, kunin ninyo sila, kubkubin ninyo sila, at abangan ninyo sila sa bawat tambangan. Ngunit kung nagbalik-loob sila, nagpanatili sila ng pagdarasal, at nagbigay sila ng zakāh ay hayaan ninyo ang landas nila. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. At-Tawbah 9:5
Tafsīr:
Kaya kapag nagwakas ang mga buwang pinakababanal na natiwasay kayo sa mga ito sa mga kaaway ninyo, patayin ninyo ang mga tagapagtambal saanman kayo nakipagkita sa kanila, bihagin ninyo sila, kubkubin ninyo sila sa mga muog nila, at tumambang kayo sa kanila sa mga daan nila. Ngunit kung nagbalik-loob sila kay Allāh mula sa shirk, nagpanatili sila ng pagdarasal, at nagbigay sila ng zakāh ng mga yaman nila, naging mga kapatid nga ninyo sila sa Islām kaya tumigil kayo sa pakikipaglaban sa kanila. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 4 Susunod At-Tawbah • Talata 6