Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 4 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 4 sa 129 • Tagalog


إِلَّا الَّذِينَ عَاهَدْتُمْ مِنَ الْمُشْرِكِينَ ثُمَّ لَمْ يَنْقُصُوكُمْ شَيْئًا وَلَمْ يُظَاهِرُوا عَلَيْكُمْ أَحَدًا فَأَتِمُّوا إِلَيْهِمْ عَهْدَهُمْ إِلَىٰ مُدَّتِهِمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُتَّقِينَ 4
Pagsasalin:
Maliban sa mga nakipagkasunduan kayo kabilang sa mga tagapagtambal, pagkatapos hindi sila bumawas sa inyo ng anuman at hindi sila nakipagtaguyudan laban sa inyo sa isa man, kaya lumubos kayo sa kanila sa kasunduan sa kanila hanggang sa [wakas ng] yugto nila. Tunay si Allāh ay umiibig sa mga tagapangilag magkasala. At-Tawbah 9:4
Tafsīr:
Maliban sa mga nakipagkasunduan kayo kabilang sa mga tagapagtambal at tumupad naman sila sa nakipagkasunduan sa inyo, at hindi sila bumawas mula rito ng anuman, kaya sila ay mga itinatangi sa naunang kahatulan. Kaya kumumpleto kayo sa kanila sa pagtupad sa kasunduan sa kanila hanggang sa matapos ang yugto nito. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagapangilag magkasala sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya, na kabilang sa mga ito ang pagtupad sa kasunduan, at sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga sinasaway Niya, na kabilang sa mga ito ang kataksilan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 3 Susunod At-Tawbah • Talata 5