Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 3 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 3 sa 129 • Tagalog


وَأَذَانٌ مِنَ اللَّهِ وَرَسُولِهِ إِلَى النَّاسِ يَوْمَ الْحَجِّ الْأَكْبَرِ أَنَّ اللَّهَ بَرِيءٌ مِنَ الْمُشْرِكِينَ ۙ وَرَسُولُهُ ۚ فَإِنْ تُبْتُمْ فَهُوَ خَيْرٌ لَكُمْ ۖ وَإِنْ تَوَلَّيْتُمْ فَاعْلَمُوا أَنَّكُمْ غَيْرُ مُعْجِزِي اللَّهِ ۗ وَبَشِّرِ الَّذِينَ كَفَرُوا بِعَذَابٍ أَلِيمٍ 3
Pagsasalin:
[Ito ay] isang pagpapahayag, mula kay Allāh at sa Sugo Niya, sa mga tao sa araw ng ḥajj na pinakamalaki [na araw ng pag-aalay], na si Allāh ay walang-kaugnayan sa mga tagapagtambal at ang Sugo Niya. Kaya kung nagbalik-loob kayo, ito ay higit na mabuti para sa inyo; at kung tumalikod kayo ay alamin ninyo na kayo ay hindi magpapawalang-kakayahan kay Allāh. Magbalita ka sa mga tumangging sumampalataya hinggil sa isang pagdurusang masakit. At-Tawbah 9:3
Tafsīr:
[Ito ay] isang pagpapaalam mula kay Allāh at isang pagpapaalam mula sa Sugo Niya sa lahat ng mga tao sa araw ng pag-aalay [sa ḥajj] na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay walang-kaugnayan sa mga tagapagtambal at na ang Sugo Niya ay gayon din sa kanila. Kaya kung nagbalik-loob kayo, O mga tagapagtambal, mula sa pagtatambal ninyo, ang pagbabalik-loob ninyo ay higit na mabuti para sa inyo. Kaya tumiyak kayo na kayo ay hindi makalulusot kay Allāh at hindi makatatalilis sa parusa Niya. Magpabatid ka, O Sugo, sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh ng ikasasama ng loob nila, na isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 2 Susunod At-Tawbah • Talata 4