Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 7 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 7 sa 129 • Tagalog


كَيْفَ يَكُونُ لِلْمُشْرِكِينَ عَهْدٌ عِنْدَ اللَّهِ وَعِنْدَ رَسُولِهِ إِلَّا الَّذِينَ عَاهَدْتُمْ عِنْدَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ ۖ فَمَا اسْتَقَامُوا لَكُمْ فَاسْتَقِيمُوا لَهُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُتَّقِينَ 7
Pagsasalin:
Papaanong magkakaroon ang mga tagapagtambal ng isang kasunduan sa ganang kay Allāh at sa ganang Sugo Niya maliban sa mga nakipagkasunduan kayo sa tabi ng Masjid na Pinakababanal? Kaya hanggat nanatili sila [sa kasunduan] sa inyo ay manatili kayo [sa kasunduan] sa kanila. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagapangilag magkasala. At-Tawbah 9:7
Tafsīr:
Hindi natutumpak na ang mga tagapagtambal kay Allāh ay may kasunduan at katiwasayan sa ganang kay Allāh at sa ganang Sugo Niya maliban sa kasunduan sa mga tagapagtambal na nakipagkasunduan kayo, O mga Muslim, sa tabi ng Masjid na Pinakababanal kaugnay sa Pakikipagpayapaan sa Ḥudaybīyah. Kaya hanggat nanatili sila para sa inyo sa kasunduan na nasa pagitan ninyo at nila at hindi sila sumira rito, manatili kayo mismo rito at huwag kayong sumira rito. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagapangilag magkasala kabilang sa mga lingkod Niya na sumusunod sa mga ipinag-uutos Niya at umiiwas sa mga sinasaway Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 6 Susunod At-Tawbah • Talata 8