Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nangako si Allāh sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya ng mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito at ng mga tahanang kaaya-aya sa mga Hardin ng Eden. May isang pagkalugod mula kay Allāh na higit na malaki. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan. (72)
Tafsīr
Nangako si Allāh sa mga lalaking mananampalataya sa Kanya at mga babaing mananampalataya sa Kanya na magpapasok Siya sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito bilang mga mamamalagi sa mga ito nang palagian. Hindi sila mamamatay sa mga ito at hindi mapuputol ang kaginhawahan nila. Nangako Siya sa kanila na magpapasok Siya sa kanila sa mga tahanang maganda sa mga hardin ng pananatili. May pagkalugod na padadapuin ni Allāh sa kanila na higit na malaki kaysa roon sa kabuuan niyon. Ang ganting nabanggit na iyon ay ang pagkatamong sukdulan na hindi natutumbasan ng [anumang] pagkatamo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: