Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 7)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 7

كَيْفَ يَكُونُ لِلْمُشْرِكِينَ عَهْدٌ عِنْدَ اللَّهِ وَعِنْدَ رَسُولِهِ إِلَّا الَّذِينَ عَاهَدْتُمْ عِنْدَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ ۖ فَمَا اسْتَقَامُوا لَكُمْ فَاسْتَقِيمُوا لَهُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُتَّقِينَ 7 ٧

Papaanong magkakaroon ang mga tagapagtambal ng isang kasunduan sa ganang kay Allāh at sa ganang Sugo Niya maliban sa mga nakipagkasunduan kayo sa tabi ng Masjid na Pinakababanal? Kaya hanggat nanatili sila [sa kasunduan] sa inyo ay manatili kayo [sa kasunduan] sa kanila. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagapangilag magkasala. (7)

Tafsīr
Hindi natutumpak na ang mga tagapagtambal kay Allāh ay may kasunduan at katiwasayan sa ganang kay Allāh at sa ganang Sugo Niya maliban sa kasunduan sa mga tagapagtambal na nakipagkasunduan kayo, O mga Muslim, sa tabi ng Masjid na Pinakababanal kaugnay sa Pakikipagpayapaan sa Ḥudaybīyah. Kaya hanggat nanatili sila para sa inyo sa kasunduan na nasa pagitan ninyo at nila at hindi sila sumira rito, manatili kayo mismo rito at huwag kayong sumira rito. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagapangilag magkasala kabilang sa mga lingkod Niya na sumusunod sa mga ipinag-uutos Niya at umiiwas sa mga sinasaway Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba