Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 85)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 85

وَلَا تُعْجِبْكَ أَمْوَالُهُمْ وَأَوْلَادُهُمْ ۚ إِنَّمَا يُرِيدُ اللَّهُ أَنْ يُعَذِّبَهُمْ بِهَا فِي الدُّنْيَا وَتَزْهَقَ أَنْفُسُهُمْ وَهُمْ كَافِرُونَ 85 ٨٥

Huwag magpahanga sa iyo ang mga yaman nila ni ang mga anak nila. Nagnanais lamang si Allāh na pagdusahin sila sa pamamagitan ng mga ito sa Mundo at pumanaw ang mga kaluluwa nila habang sila ay mga tagatangging sumampalataya. (85)

Tafsīr
Huwag magpahanga sa iyo, O Sugo, ang mga yaman ng mga mapagpaimbabaw na ito ni ang mga anak nila. Nagnanais lamang si Allāh na pagdusahin sila sa pamamagitan ng mga ito sa buhay na pangmundo. Iyon ay sa pamamagitan ng dinaranas nila na mga paghihirap sa landas nito at ng tumatama sa kanila na mga kapahamakan sa buhay. [Nagnanais Siya] na lumisan ang mga espiritu nila mula sa mga katawan nila habang sila ay nasa kawalang-pananampalataya nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba