Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 85 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 85 sa 129 • Tagalog


وَلَا تُعْجِبْكَ أَمْوَالُهُمْ وَأَوْلَادُهُمْ ۚ إِنَّمَا يُرِيدُ اللَّهُ أَنْ يُعَذِّبَهُمْ بِهَا فِي الدُّنْيَا وَتَزْهَقَ أَنْفُسُهُمْ وَهُمْ كَافِرُونَ 85
Pagsasalin:
Huwag magpahanga sa iyo ang mga yaman nila ni ang mga anak nila. Nagnanais lamang si Allāh na pagdusahin sila sa pamamagitan ng mga ito sa Mundo at pumanaw ang mga kaluluwa nila habang sila ay mga tagatangging sumampalataya. At-Tawbah 9:85
Tafsīr:
Huwag magpahanga sa iyo, O Sugo, ang mga yaman ng mga mapagpaimbabaw na ito ni ang mga anak nila. Nagnanais lamang si Allāh na pagdusahin sila sa pamamagitan ng mga ito sa buhay na pangmundo. Iyon ay sa pamamagitan ng dinaranas nila na mga paghihirap sa landas nito at ng tumatama sa kanila na mga kapahamakan sa buhay. [Nagnanais Siya] na lumisan ang mga espiritu nila mula sa mga katawan nila habang sila ay nasa kawalang-pananampalataya nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 84 Susunod At-Tawbah • Talata 86