Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 86 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 86 sa 129 • Tagalog


وَإِذَا أُنْزِلَتْ سُورَةٌ أَنْ آمِنُوا بِاللَّهِ وَجَاهِدُوا مَعَ رَسُولِهِ اسْتَأْذَنَكَ أُولُو الطَّوْلِ مِنْهُمْ وَقَالُوا ذَرْنَا نَكُنْ مَعَ الْقَاعِدِينَ 86
Pagsasalin:
Kapag may pinababa na isang kabanata [ng Qur’am, na nag-uutos:] ”Sumampalataya kayo kay Allāh at makibaka kayo kasama sa Sugo Niya,” humingi ng pahintulot sa iyo [na magpaiwan] ang mga may kaya kabilang sa kanila at nagsasabi sila: “Hayaan mo kami, kami ay magiging kasama sa mga nananatili.” At-Tawbah 9:86
Tafsīr:
Nang nagpababa si Allāh ng isang kabanata sa Propeta Niyang si Muḥammad – basbasan Niya ito at pangalagaan – na naglalaman ng utos ng pagsampalataya sa Kanya at pakikibaka ayon sa landas Niya, humiling ng pahintulot sa pagpapaiwan palayo sa iyo ang mga may yaman at kaluwagan kabilang sa kanila. Nagsabi sila: "Pabayaan mo kami, magpapaiwan kami kasama sa mga may mga kadahilanan gaya ng mga mahina at mga maysakit na talamak."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 85 Susunod At-Tawbah • Talata 87