Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 84 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 84 sa 129 • Tagalog


وَلَا تُصَلِّ عَلَىٰ أَحَدٍ مِنْهُمْ مَاتَ أَبَدًا وَلَا تَقُمْ عَلَىٰ قَبْرِهِ ۖ إِنَّهُمْ كَفَرُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَمَاتُوا وَهُمْ فَاسِقُونَ 84
Pagsasalin:
Huwag kang magdasal para sa isa kabilang sa kanila na namatay – kailanman – at huwag kang tumayo sa puntod niya. Tunay na sila ay tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at namatay samantalang sila ay mga suwail. At-Tawbah 9:84
Tafsīr:
Huwag kang magdasal, O Sugo, sa alinmang patay kabilang sa mga patay ng mga mapagpaimbabaw magpakailanman. Huwag kang tumayo sa puntod nito para manalangin para rito ng kapatawaran. Iyon ay dahil sila ay tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at namatay habang sila ay lumalabas sa pagtalima kay Allāh. Ang sinumang gayon ay hindi dinadasalan at hindi dinadalanginan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 83 Susunod At-Tawbah • Talata 85