Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 88)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 88

لَٰكِنِ الرَّسُولُ وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ جَاهَدُوا بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ ۚ وَأُولَٰئِكَ لَهُمُ الْخَيْرَاتُ ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ 88 ٨٨

Subalit ang Sugo at ang mga sumampalataya kasama sa kanya ay nakibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Ang mga iyon ay ukol sa kanila ang mga mabuti at ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay. (88)

Tafsīr
Tungkol naman sa Sugo at mga mananampalataya kasama sa kanya, hindi sila nagpaiwan palayo sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh tulad ng mga ito. Nakibaka lamang sila ayon sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Ang ganti sa kanila sa ganang kay Allāh ay ang magtaglay ng mga pakinabang na pangmundo para sa kanila gaya ng pagwawagi at mga samsam sa digmaan, ang magtaglay ng mga pakinabang na pangkabilang-buhay, na kabilang sa mga ito ang pagpasok sa paraiso, at ang magtaglay ng pagtatamo ng hinihiling at kaligtasan mula sa pinangingilabutan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba