Subalit ang Sugo at ang mga sumampalataya kasama sa kanya ay nakibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Ang mga iyon ay ukol sa kanila ang mga mabuti at ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay. At-Tawbah 9:88 ⧉
Tafsīr:
Tungkol naman sa Sugo at mga mananampalataya kasama sa kanya, hindi sila nagpaiwan palayo sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh tulad ng mga ito. Nakibaka lamang sila ayon sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Ang ganti sa kanila sa ganang kay Allāh ay ang magtaglay ng mga pakinabang na pangmundo para sa kanila gaya ng pagwawagi at mga samsam sa digmaan, ang magtaglay ng mga pakinabang na pangkabilang-buhay, na kabilang sa mga ito ang pagpasok sa paraiso, at ang magtaglay ng pagtatamo ng hinihiling at kaligtasan mula sa pinangingilabutan.